Friday, February 21, 2014

                             
                               
                                                                 MESOPOTAMIA
                                                   Unang Sibilisasyon sa Kanlurang Asya


I. Heograpiya 

    > Mesopotamia ay isa sa mga unang kanlungan ng sibilisasyon. Dumadaloy sa rehiyon ang               tatlong malalaking ilog : Ang Tigris, Euphrates at Jordan. Ang pinakamahalagang ilog ang              Tigris at Euphrates na nanggaling sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Timog                      Silangang Mesopotamia hanggang sa Gulpo ng Persia. Nag-iwan ang mga ilog ng matabang            deposito ng lupa sa mga panahon ng pagbaha nito tuwing buwan  ng Abril o sa mga unang                bahagi ng buwan ng Hunyo. At naging suliranin ng mga Mesopotamia ang madalas na                      pagguho ng lupa na nagpapaiba sa direksyon ng daloy ng tubig. 

Pamayanan 

> Napaunlad ng mga tao sa mesopotamia ang pagsasaka. Nagsilbi ring daanan ng mga mangangalakal ng tumutungo sa Gulpo ng Persia mula Dagat Mediterranean ang mga ilog Tigris at Euphrates. 



May Unang kabihasnan sa Mesopotamia : 

  • Sumeria 
  • Akkadia 
  • Babylonia
  • Assyria
  • Chaldea

Pamahalaan: 


>Nahahati sa lungsod estado na may kani-kanyang pinuno na tumatayong lider ng pamahalaan at tagapagtaguyod ng batas. Pinangasiwaan din ng mga lider ang mga gawaing panrelihiyon at sila ang nagsilbing tagapamagitan sa diyos at sa mga tao tuwing may seremonya at pag-aalay. Sa ganitong sistema nagkaisa ang Relihiyon at Pamahalaan. Naniniwala din sila sa Batas ni Hammurabi.



Hanapbuhay: 


> Karaniwang magsasaka ang ang mga hanapbuhay ng taga sumer at pati narin ang pakikipagkalakalan. Pagsasaka ang pinakamahalaga nilang pamumuhay. Nagtayo sila ng mga kanal para sa irigasyon. 


Ekonomiya:

>Ang Sumer ay itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig. Maraming umusbong na mga lungsod-estado. Mayroong silang malalapad na kalsada. Pinapalibutan ito ng mataas at mapalad na pader at may imbakan ng mga butil. Ang pinakamahalagang gusali ay ang templo na tinawag na ziggurat.


Ang mga naimbento nila:

-Ziggurat 

>Isa itong templo na may maraming palapag. Nagsisilbi itong tirahan ng mga pinuno ng komunidad at dito rin isinasagawa ang mga ritwal panrelihiyon. 





-Cuneiform

>Paraan ng pagsulat ng mga Sumerian 
>Isinusulat ito sa tabletang bato 
>ginagamitan ng mga larawan (Pictograph) na kumakatawan sa mga bagay at pangalan 
                                     

                                                                                                                                                                 

Relihiyon;

>Pinangasiwaan din ng mga lider ang mga gawaing panrelihiyon at sila ang nagsilbing tagapamagitan sa diyos at sa mga tao tuwing may seremonya at pag-aalay. Sa ganitong sistema nagkaisa ang Relihiyon at Pamahalaan. 


Paniniwala:

>Naniniwala ang mga Sumeria sa maraming diyos tinawag itong Politeismo. 
  





II. Ambag Sa Kasaysayan. 

  • Paggamit ng gulong na ipinakilala ng mga Sumerian. Nalinang din nila ang sistema ng pagsukat at pagtitimbang gayundin ang paggamit ng praksyon.
  • Pagtatatag ng sistema ng pagbabangko at paggamit ng baryang pilak bilang salapi.
  • Ang sistema ng pagsulat na Cuneiform
  • Paglinang sa unang nasusulat na kodigo ng batas, ang Kodigo ng mga Batas ni Hammurabi na tinatayang pangunahing kontribusyon ng mga Babylonian sa kabihasnan.
  • Mga ziggurat, templo ng Sumeria na binubuo ng ilang palapag
  • Pagkaimbento ng water clock at sundial





Bakit ito napiling Sibilisasyon? 

>Napili ko ito dahil ang Sibilisasyong ito ay marami silang naiambag katulad ng paraan ng pagsulat at pagkakaimbento ng water clock at ang paggamit ng gulong na ngayon ay atin din ginagamit sa pang araw araw at pati narin ang Pagsukat at Pagtimbang at ang Paggamit ng baryang pilak. At ito ang ladahilanan ko kung bakit napili ko itong sibilisasyon na ito.







1 comment:

  1. The Best Pungent Pro Nano Titanium Straightener - Titanium
    ‎Pungent Pro · titanium tent stove ‎Pungent Pro titanium jewelry piercing · titanium band ring ‎Pungent titanium wood stoves Pro’s T-Core™ · ‎Gambler™ · ‎Gambler™ · titanium jewelry for piercings ‎BatteriesCherry · ‎Gambler™

    ReplyDelete